fbpx

LALAKI, ARESTADO DAHIL SA PAGNANAKAW NG 18 SAKO NG MGA REKORD NG KORTE SA BATANGAS

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos nakawin ang 18 sako ng case records sa Regional Trial Court (RTC) Branch 83 sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa ulat, mula sa Philippine National Police (PNP), isang John Carlo Lumbres ang puwersahang binuksan at sinira ang bintana ng staff room kung saan matatagpuan ang mga rekord ng kaso.

Nahuli si Lumbres at sinampahan ng kasong robbery noong Sabado matapos magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad.

Narekober ng mga awtoridad ang 18 sako ng case records mula sa RTC Branch 83.

Itinurn-over sa Tanauan City Police Station ang suspek at ang mga nakuhang ninakaw para sa kaukulang disposisyon.

Inaalam pa kung anong motibo ng suspek sa mga ninakaw na case records o kung may mga kasabwat pa ito sa krimen.

About Author