fbpx

MAGNANAKAW NG CABLE WIRE, ARESTADO SA NASUGBU BATANGAS

MAGNANAKAW NG CABLE WIRE, ARESTADO SA NASUGBU BATANGAS

Arestado ang dalawang notorious na magnanakaw ng kawad ng PLDT ng matiyempuhan sa Tagaytay-Nasugbu Road, Barangay Niogan kahapon ng umaga ng mga pulis.


Kinilala ang mga suspek na sina Christian Malinao, 26-anyos, at Richard Cortez, 26-anyos, kapwa residente ng Upland Nasugbu.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sina Malinao at Cortez ang responsable sa pagkawala ng linya ng cable sa mga naturang lugar maging sa mga kalapit na bayan ng Tagaytay.

Nakuha sa mga suspek ang may 49 na metro ng FSF aerial wire na nagkakahalaga ng P114, 654 at 30 Meters ng FSF wire na nasa P37,860 .

Samantala, nakuhanan din ang mga ito ng 2 sachets ng ilegal na droga.

About Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *