Usap-usapan ngayong Huwebes ang senatorial aspirant na si Atty. Luke Espiritu matapos nitong banatan sa SMNI Senatorial Debate si dating presidential spokesman Atty. Harry Roque.
Nagsimula muna ang diskusyon nang pagtalunan nina Espiritu at Atty. Larry Gadon ang ilang pangyayari noong martial law.
Sumingit naman si Roque, na kasama sa senatorial slate ni Bongbong’ Marcos.
Sa pagsingit ni Roque, sinabi nito na malinis si Marcos Jr. sa anomang kaso tungkol sa martial law.
Dito na siya pinatutsadahan ni Espiritu.
“Mr. Roque, I know your history. You were anti-Marcos. You spent your whole life as an anti-Marcos and working for human rights. And now you were given a senate spot under the party of Bongbong Marcos, you suddenly sing hallelujah?” saad ni Espiritu.
Maaalalang bago naging presidential spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte ay unang nakilala si Roque bilang human rights lawyer.