fbpx

SMUGGLED NA SIGARILYO NASAMSAM SA 2 DRIVER SA ZAMBOANGA SIBUGAY, ARESTADO

PHOTO SIBUGAY POLICE

Inaresto ng mga operatiba ng pulisya at Bureau of Customs (BOC) ang dalawang tao at nasamsam ang humigit-kumulang PHP5.2 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Sinabi ng operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao (APC-WM) na si Col. Richard Verceles, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Hamid Pallong at Radzmir Ainami dakong 5:20 p.m. nitong Sabado sa Barangay Caparan sa bayan ng Ipil.

Nahuli ang dalawang suspek na magkahiwalay na nagmamaneho ng van at isang sports utility vehicle na may karaga na 402 na master case na naglalaman ng samu’t-saring smuggled na sigarilyo.

Inilunsad ang operasyon matapos makatanggap ng ulat na may dadating na shipment ng mga smuggled na sigarilyo sa Ipil na pinaniniwalaang manggagaling sa Zamboanga City. Sa ngayon, ay nakakulong ang dalawang driver habang nakabinbin ang pagsampa ng pormal na kaso laban sa kanilang dalawa. Ang mga nasamsam na mga smuggled na sigarilyo ay inilagay muna sa kustodiya sa police station sa Ipil. | BCHANNEL NEWS TEAM

About Author