Mas pinalawak at mas pinahusay ng Just Pause Salon & Spa ang kanilang beauty at wellness services sa muling pagbubukas nito sa bagong lokasyon sa Dragon Tiger Building, Brgy. 2, Balayan, Batangas noong Nobyembre 20.
Pinagsama ng Just Pause Salon & Spa ang luxurious ngunit abot-kaya na serbisyo para sa iba’t ibang pangangailangan ng kliyente pagdating sa nail, hair, at body care.
Ayon kay Just Pause CEO Crisaleen Pesigan, kumpleto ang handog na serbisyo nito mula sa hair care, nail services, eyelash extensions, massage, foot spa, facial treatments, sauna, at iba pa kung saan hindi na kinakailangang lumayo ang mga kliyente.
Bilang bahagi ng relaunching, ipinakilala si Vlogger/Influencer ‘Tita ng Calapan’ o Charisma Carenan bilang official brand ambassador.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Carenan ang taos-pusong pasasalamat sa Just Pause Salon & Spa sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya bilang opisyal na ambassador nito.
Aniya, gagampanan niya ang tungkulin nang may sipag, tiyaga, at pagmamahal para sa higit na pagtataguyod at pagpapalawak ng pangalan at imahe ng Just Pause.
Samantala, binigyang diin naman ni Michael Pesigan, Founder at Chairman ng Dragon Tiger Corporation na bukas para sa lahat ang naturang salon at spa. Aniya, maaari din ma-enjoy ng mga kalalakihan ang massage, sauna, at hair services nito.
Kasabay ng relaunching, isa sa mga bagong serbisyo nila ang Japanese Head Spa. Layunin ng Just Pause na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo sa mga kliyente sa pamamagitan ng mga sinanay at kwalipikadong staff at specialists nito.
Tiniyak ni CEO Pesigan na higit ding babalik-balikan ng mga kliyente ang comforting at relaxing ambiance sa mas pinalawak at mas pinagandang lokasyon ng spa.
Sa pamamagitan ng relaunching, mas pinagtibay ng Just Pause Salon & Spa ang kanilang mga serbisyo para sa bawat kliyente. | #BCBrandLab