
Isang lalaki ang nagdala ng kanyang sarili sa isang Medical Center sa Nasugbu, Batangas matapos niyang ideklara na siya ay tinamaan ng ligaw na bala sa itaas na bahagi ng kanyang tiyan, nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ng kapulisan ang biktima ng ligaw na bala na si Cyrus Cuneta, 30 taong gulang, residente ng Barangay Lumbangan.
Ayon kay Police Staff Sergeant Ronnie Bagsic, pauwi na sakay ng kanyang kotse si Cuneta nang napansin niyang basag ang windshield ng kanyang sasakyan. Hindi na ito inalintana ni Cuneta ipinagpatuloy ang kanyang pagmamaneho. Nang makarating na sa kanyang bahay, ay napansin niyang may dugo sa kanyang sando at sugat sa kanyang tiyan na nagtulak sa kanya na dalhin ang sarili sa ospital bandang 11:30 ng umaga ng Linggo.
Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang suspek. | bchannel new team / intern