fbpx

ISANG DALAGA; PATAY MATAPOS GAHASAIN, SAKSAKIN NG LOLO NA MAY ALZHEIMER’S DISEASE SA JAPAN; KASALANAN ‘DI MAALALA

Patay ang isang dalaga matapos ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima sa kanyang lolo na umano’y may Alzheimer’s Disease sa Japan, kung saan pinatay nito sa saksak at ginahasa ang sariling apo kamakailan.

Kinilala ang akusado na si Susumu Tomizawa, 88-anyos, kung saan inamin nito sa korte ang ginawang kasalanan, sinabi naman ng suspek na hindi niya maaalala kung paano niya ito ginawa sa kanyang apo.

Nag-plea ng not guilty ang suspek dahil sa kanyang kondisyon pero hindi ito kinatigan ng korte, na hinatulan naman siya ng apat at kalahating taon na pagkakabilanggo dahil sa salang pagpatay.

Ayon pa sa salaysay ng suspek, lasing umano siya nang pasukin niya ang kwarto ng kanyang apo kung saan niya ito pinagsasaksak.

Batay naman sa hukon na humahawak ng kaso, bagaman may kinalaman ang kanyang karamdaman sa pag-iisip, batid naman ng matanda ang bigat ng kanyang ginawa dahilan para siya hatulan ng guilty. | Balisong News Team

About Author