
Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, mas mabuti raw sana na may karanasan sa pag-handle sa pandemya ang magiging kapalit niya sa posisyon.
Pero ayon sa kalihim, nasa kamay pa rin ni President-elect Bongbong Marcos ang pagpili sa magiging susunod na Health secretary.
Matatandaang inirekomenda ng Philippine Hospital Association of the Philippines kay National Task Force Against COVID-19 medical adviser si Dr. Ted Herbosa na maging susunod na kalihim ng DOH.
Niliwan naman niyang walang magiging problema sa transition kahit wala pang napapangalanang ipapalit sa kanya. | balisong news team