fbpx

2 LALAKING SANGKOT UMANO SA SERYE NG HOLDAPAN SA CALABARZON, NASAKOTE NG MGA AWTORIDAD’

📷: Police Regional Office 4A

Timbog ang dalawang lalaki sa isinagawang operasyon ng SWAT at San Pablo PNP Laguna nito lamang Martes – Agosto 30, dahil sa kasong paglabag sa RA 10591, RA 8294 at RA 9165.

Ayon sa mga kapulisan, bandang 4:20 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag na mayroong dalawang armadong lalaki sa isang bar ng Brgy. II-F, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ang dalawang suspek na sina John Reny Gines Jose, 22 anyos at si Marvin Atienza Marasigan, 27 anyos kung saan narekober sa mga ito ang dalawampu’t pitong iba’t ibang klase ng cellphone, granada, mga sachet ng hinihinalang shabu, pera, 2 armas at mga bala at isang motorsiklo.

Sa ngayon nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Illegal Possession, Manufacture, Acquisition of Firearms, Ammunition or Explosives at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | Shiela (Intern)

About Author