fbpx

NASA NGITI PROGRAM, ISINUSULONG SA CALACA CITY, BATANGAS

Libreng dental services ang handog ng lokal na pamahalaan ng Calaca City sa Batangas para sa mga batang edad 0 hanggang siyam na taong gulang.

Ang programang ito ay may temang NASA NGITI: GO CARIES FREE CALACA at may layunin na maimulat ang kabataan sa kahalagahan at pangangalaga ng kanilang mga ngipin at kalusugan.

Pangungunahan ni Dra. Sharon Ona ang mga aktibidad na oral diagnosis at check-up sa mga bata at buntis, flouride application para sa 0-9 years old, at extraction o pagbunot ng ngipin. Nananawagan ang lokal na pamahalaan na bumisita sa kanilang Facebook page para sa kumpletong schedule ng kanilang Dental Mission.  

About Author