fbpx

BABAE, NAGLUPASAY SA GITNA NG KALSADA, MATAPOS BAWIIN ANG MOTORSIKLONG HULUGAN

Naglupasay sa gitna ng kalsada sa Barobo, Surigao del Sur ang isang babaeng kumuha ng hulugang motorsiklo nitong nakaraang Setyembre 7.

Ninais umano nitong magpasagasa at magpakamatay sanhi ng lungkot na nararamdaman dahil sa binawing motorsiklong hulugan.

Kinausap naman ng mga residente ang babae na maghunos dili at umalis sa daanan ng sasakyan kung saan siya naglupasay.

Ayon naman sa babae, matagal na niya itong ginagamit pero dahil wala na siya maipambayad, hinatak na lang sa kanya ang motorsiklo. | L. Nieves, intern

About Author