Isang Chinese national ang kinidnap umano ng hindi pa nakikilalang foreign national, ang nasagip ng mga tauhan ng Alangilan Police Community Precint – Batangas City Police Station.
Ang biktima, isang babae na hindi pinangalanan, tubong Shanghai, China, ay kinidnap umano ng hindi pa nakikilalang foreign national na suspek noong Setyembre 17, 2022 dakong 12:30 ng umaga sa Angeles City, Pampanga.
Ayon sa salaysay ng live-in partner ng biktima, dakong alas 7:40 ng gabi noong Sept 16, sinundo ang biktima ng isang SUV na minamaneho ng isang Filipino at may sakay na dalawang Chinese nationals mula sa kanilaang tinutuluyan sa Angeles City, Pampanga.
Noong September 18, tumawag ang isang unknown caller sa boyfriend ng biktima na nanghihingi ng ransom.
Nagpadala rin ang caller ng video clip ng biktima habang hinahampas ng baseball bat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ikinulong siya ng mga kidnapper ng 20 araw hanggang sa makatakas ito sa isang residential house sa Brgy. Alangilan, Batangas City.
Noong Huwebes ng madaling araw ay nagawa nitong makatakas at makapunta sa isang malapit na convenience store at doon na-rescue ng mga tauhan ng Alangilan Police Community Precinct ng Batangas PNP.
Kinumpirma ng PNP Anti-Kidnapping Group ang pagkidnap sa subject kapalit ng $200,000 ransom.
Pinuri ni PRO CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez, Jr ang mga tauhan ng Batangas CPS sa matagumpay na pagsagip sa Chinese national. Inatasan din niya ang Anti-Kidnapping Group 4A (AKG) at mga operatiba ng PRO CALABARZON na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente at tukuyin ang mga salarin.