Ika-10 ng Oktubre nang isinabatas ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagrehistro ng mga SIM card upang maiwasan ang mga text at online scam.
Bago maging epektibo ang SIM Card Act sa Oktubre 26, narito ang ilan sa mga dapat malaman tungkol sa RA 11934 o ang SIM Card Registration Act sa ORAS NA ITO’Y IPATUPAD..
Narito ang ilan sa mga dapat malaman tungkol sa RA 11934 o ang SIM Card Registration Act sa ORAS NA ITO’Y IPATUPAD.
SIM Card Registration Instruction
- Hintayin ang online form link text na ipapadala mismo ng Telecommunication Network (Smart/TnT/Globe/TM/DITO/Cherry Prepaid/GOMO at iba pa) kung saan naglalaman ng iyong buong pangalan, petsa ng kapanakan, kasarian, at address sa Public Telecommunications Entity (PTE)
2a. Punan ang lahat ng mga hinihingi sa website at maghanda ng isang “Primary Valid Government issued ID”
2b. Kung ikaw naman ay student, ilagay lamang ang impormasyon at ID ng iyong guardian o magulang.
TANDAAN: Kelangan naka damit kapag maguupload ng face picture with ID.
- Hintayin ang confirmation ng Telco Network na verified na ang iyong SIM Card.
- Kapag wala pa kayong nakukuhang text na galing sa Telco Network ninyo after 5 months, pumunta na kayo sa iyong pinakamalapit na Telco Network upang iregister ang iyong SIM Card.
Paalala
- Lahat ng SIM Card na hindi nakarehistro ay madidisable/deactivate ng Telco providers
- Maaring makulong at magmulta ang magbibigay ng invalid information o kaya naman ng pekeng dokumento na inupload o ibinigay sa Telco Network.
- Huwag basta maniniwala sa link text ng walang special caller ID katulad ng (SMART/GLOBE/DITO AT IBAPA). Kung ang nagsend o nagpadala ay personal number na 09* huwag itong paniwalaan at huwag na huwag magbibigay ng anumang impormasyon.
- Lahat ng SIM Card ay dapat nakarehistro.
Ano ang mangyayari sa SIM na nakalagay sa cellular phone mo?
- Maaari itong ma-deactivate kapag hindi mo ito ni-register sa loob ng 180 days (or 300 days if extended by DICT) mula sa pagiging epektibo ng batas na ito.)
Ano ang maaaring gawin kapag na-deactivate ang iyong SIM?
- Para mare-activate ang iyong SIM, kailangan mong mag-rehistro.
Saan maaaring mag-register?
- Maaari kang magregister sa pagfill-up ng Registration Form na maaaring ibigay ng gobyerno o ng iyong Network Provider (e.g. Globe, Smart, DITO, etc.)
Sino ang dapat magregister?
- Lahat, tao man o korporasyon ay dapat magregister, kasama ang mga turista. (Ang SIM ng mga turista ay epektibo lamang within 30 days.)
May bayad ba ang pagreregister?
- Walang bayad.
Pwede bang magkaroon ng higit sa isang SIM ang isang tao?
- Pwede kung ireregister rin ang ikalawa, ikatlo mong SIM ayon sa iyong pagkakakilanlan.
Pwede bang ipahiram, ibigay, o ibenta ang SIM sa ibang tao?
- Maaari kung ang taong tatanggap ng SIM mula sa iyo ay irerehistro ang kanyang pagkakakilanlan sa SIM na kanyang tinanggap.
Kapag naging epektibo na ang batas (Sim Registration Law), mayroon lamang tayong 180 days o halos katumbas ng 6 months para magpa-rehistro sa Globe/TM, Smart/TNT/Sun Cellular, DITO upang hindi ma-deactivate ang ating sim card.
Layunin ng batas na mapigilan ang paglaganap ng mga kaso ng scam o panlilinlang sa text messages sa bansa.
Sa ngayon, hinahanda na ng NTC ang Implementing Rules and Regulation upang masimulan ang registration ng mga sim cards sa ilalim ng bagong batas.