Muling binatikos sa social media ang celebrity engineer na si Slater Young dahil sa umano’y epekto ng kanyang hillside project na The Rise at Monterrazas sa matinding pagbaha sa Cebu matapos ang hagupit ng Bagyong Tino.
Umabot na sa higit 140 ang bilang ng mga nasawi at libo-libong kabahayan ang binaha at nawasak sa lalawigan.
Muling nabuhay ang isyu sa kontrobersyal na proyekto ni Young sa Barangay Guadalupe, na dati na ring inulan ng batikos dahil umano’y nakadagdag ito sa baha sa lugar.
Ayon sa ilang netizen, “We prepared for #TyphoonTino, but we didn’t for Monterazzas De Cebu’s sudden water flow. But who would have thought we’d be swimming in mocha-colored waters (aka anapog).”
“Hindi naman binabaha noon sa Guadalupe, pero simula nang magtayo ng Monterrazas, unti-unti nang lumala,” banat pa ng netizens.
Depensa naman ni Young sa mga naunang panayam, mahigit 300 beses na nirebisa ang disenyo ng proyekto para masiguro ang kaligtasan at katatagan nito.
Sa ngayon, nananatiling tikom si Young sa panibagong isyung kinasasangkutan niya matapos ang bagyo. | BChannel news