Isang magkasintahan ang nabiktima ng panghohold-up at pambubugbog habang namamasyal sa Lake Caliraya sa Lumban, Laguna nitong nakaraang Biyernes ng gabi.
Sa ulat ng awtoridad, dalawang suspek na lalaki ang dumating sakay ng tricycle at armado ng baril. Pinasakay ng mga suspek ang magkasintahan sa tricycle at dinala ang mga biktima sa magubat na lugar.
Ayon pa sa imbestigasyon, matapos dumating sa lugar, kinuha ng mga suspek ang lahat ng gamit ng magkasintahan at doon na umano nangyari ang pambubugbog at ang masaklap pa hinalay ang babae.
Sa ngayon nasa ospital ang dalawang biktima, isang 18 anyos na lalaki at ang isang menor de edad nitong kasintahan.
Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang naturang krimen at pinaghahanap ang mga suspek.