fbpx

PWD, NASUNOG NANG BUHAY SA KANILANG BAHAY

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang person with disability (PWD) matapos ma-trap sa kanyang nasusunog na bahay sa Ormoc City.

Ayon sa Ormoc City Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang mag-umpisa ang sunog sa bahay kung saan nasunog nang buhay ang 26-anyos na babaeng biktima.

Naiwan umano ang biktima sa loob ng bahay dakong alas-8:00 ng umaga dahil may dinaluhang pagtitipon sa barangay ang kanyang ina.

Nang umalis ng bahay ang ina, iniwan nitong nakabukas ang electric fan.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

About Author