fbpx

Babaeng nagpanggap na Pulis, arestado ng Talisay Batangas

Arestado ang isang ginang sa checkpoint na isinagawa ng Talisay PNP matapos itong magsuot ng damit ng pulis dakong alas-11:45 ng umaga nitong Lunes Nobyembre 21, 2022.

Kinilala ang inarestong suspek na si Vanessa Mago, 36 taong gulang, tubong Naga City Bicol, at kasalukuyang naninirahan sa Sto. Tomas, Batangas.

Sa ulat ng Batangas Provincial Police Office, nakasuot ng Olive Drab na may tatak na “PULIS” habang ang kanyang pang-ilalim ay jogging pants at athletic shoes na sa pamantayan ng PNP ay hindi pasok sa Tamang Bihis.

Sa pagberepika ng Talisay MPS, si Mago ay mayroong existing warrant of arrest sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention with and Violation of PD 1829 na ini-issue ni Hon Judge Pedro M Redoña, Presiding Judgengf RTC Branch 63, Calabanga, Camarines Sur. Ang warrant of arrest ay inihain ng kapulisan ng Talisay kasama ang RID 4A – RIT Batangas, Calabanga MPS, Camarines Sur (PRO5), PNP IMEG Luzon Field Unit 4A and PNP Maritime Monitoring Post, Talisay, Batangas.

Ang suspek ay sasampahan rin ng kasong paglabag sa Article 177 and 179 of the RPC (Usurpation of Authority & Illegal Use of Uniform or Insignia). | Batangas PPO

About Author