Kabilang ang pamahalaang lungsod ng Imus sa ginawaran ng Beyond Compliant Rating sa 22nd Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan (KALASAG) Seal para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Council and Offices.
Ito ay sa pamamagitan ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ibinibigay taun-taon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kinikilala ng KALASAG Award ang mga lokal na DRRM practitioner bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon upang isulong at ipatupad ang mga programa na bumuo ng mga matatag na komunidad na maaaring harapin ang panganib ng mga sakuna at kalamidad.