Nasawi ang isang miyembro ng SWAT Team sa San Pablo, Laguna matapos aksidenteng mabaril umano ng kanyang kapwa pulis kaninang alas-9:45 ng umaga ngayong Huwebes Nobyembre 24, sa barangay hall ng Brgy. 1-B sa San Pablo.
Sa video ng PRO CALABARZON, makikita na magkakaharap ang mga pulis na naglilinis ng kanilang baril at kagamitan sa kanilang mesa dahil sa gagawing inspection sa kanila.
Batay sa ulat ng awtoridad, aksidente nabaril ni Cpl George Mervin Duran si Cpl Fhrank Aldene dela Cruz nang magkapalit sila ng armas.
Sa salaysay nito, kinuha ni Duran ang baril sa kanyang bag at tinanggal ang magazine kaharap ang kasamahan at nang kanyang ikasa ito upang tingnan kung may bala o wala ay bigla umano itong pumutok at tumama agad sa dibdib ni dela Cruz na ikinasawi naman nito.
Kasalukuyang nagsasagawa pa din ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insindente.