fbpx

50-anyos na babae, patay matapos masagasaan at magulungan ng mixer truck sa Pangasinan

Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 50-anyos na ina makaraang mabangga at magulungan ng isang mixer truck sa kahabaan ng Alver Street Poblacion, Lingayen, Pangasinan habang sugatan naman ang kanyang kasamahang bata sa nangyaring insidente nitong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Guillerma Pidloan Muñez, 50-anyos, residente ng Basista Pangasinan habang ang sugatang bata ay nasa 9 taong gulang.

Sa lakas ng impak at pagkakasagasa ng mixer truck, dead on the spot agad ang biktima dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan. Samatala, nakaligtas naman ang apo nito ngunit nagtamo ng sugat na kita sa mga larawan ni Russel.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Pulisya, nawalan ng kontrol ang driver ng mixer truck na sumagasa sa mga biktima.

Kinilala naman ang driver ng mixer truck na si Melicio Elefanio na agad sumuko sa mga otoridad.

Sa ngayon nahaharap sa kasong Reckless Impudence Resulting to Homicide, Physical Injury and damage to propertya ang naturang driver.

About Author