Arestado ang isang 42-anyos na liason officer ng BDO makaraang makuhanan ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation kamakailan, sa Barangay San Rafael, Sto. Tomas city Batangas.
Kinilala ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang suspek na si Edgar Gamo.
Inaresto ng mga ortoridad ang suspek dakong alas-4:30 ng madaling araw matapos itong magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang police poseur-buyer sa halagang P500.
Narekober sa suspek ang iligal na droga at ang marked money.
Nahaharap si Gamo sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.