fbpx

Patay na sanggol lumutang sa dagat

Kalunos-lunos ang sinapit ng 7-buwan sanggol na lalaki matapos lumutang ang bangkay nito sa baybaying dagat na sakop sa Barangay 11- Llorente, Eastern Samar nitong Biyernes.

Sa report ng mga otoridad, inakala lamang ng ilang residente na isang patay na aso lang ang palutang-lutang na inaanod kasama ang mga basura.

Subalit nang lapitan ito, dito na nila nakitang isa palang sanggol at nagdurugo pa ang pusod nito.

Agad naman inilibing ang sanggol sa pampublikong sementeryo.

Photo | Antonia Gunda Abunales

Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

About Author