Tumulak patungong Barangay Bulihan, Silang Cavite ang medical mission team ng pamahalaang panlalawigan upang magsagawa ng Medical Mission noong Disyembre 1.
Umabot sa 245 residente ang tumanggap ng libreng gamot at vitamin supplement sa nasabing Medical Mission, na pinangunahan nina Dr. Marie April Jean Juanito at Dr. Rieynna Guerra ng General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, at mga boluntaryong medical professional.
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasyente at healthcare worker, nagsagawa rin ang pamahalaang panlalawigan ng patient screening, antigen testing at minimum public health protocols