Opens in a new tab
Skip to content
Health

Pneumonic plague sa Russia, binabantayan ng DOH matapos masawi ang laboratory worker

Minomonitor na ng Department of Health o DOH ang sitwasyon sa Russia kaugnay ng isang suspected plague case, pero ayon sa World Health Organization o WHO, wala pa itong nakikitang senyales ng mas malawak na outbreak.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nitong October 7, ginagawa ng DOH ang mga kinakailangang hakbang at sinusunod ang recommendations ng WHO para masuri ang posibleng health risk at mapanatiling ligtas ang publiko.

Nagsimula ang concern matapos mamatay ang isang 28-year-old female laboratory technician sa Siberia, Russia. Nagtatrabaho siya sa isang plague research institute at na-diagnose na may pneumonia of unknown aetiology, o pneumonia na hindi pa matukoy ang pinagmulan.

Iniimbestigahan ngayon kung may kaugnayan ang kanyang pagkamatay sa pneumonic plague, ang pinaka-mapanganib na anyo ng plague na umaatake sa lungs at maaaring kumalat mula tao patungo sa tao sa pamamagitan ng droplets mula sa paghinga, pag-ubo o pagbahing.

Pero nilinaw ng Russian authorities na wala silang nakitang infection sa mga staff ng laboratoryo. Itinanggi rin ng Kremlin ang reports tungkol sa isang second suspected case sa Siberia.

Sinabi ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na dapat manggaling sa official statements ng Russian health regulator na Rospotrebnadzor ang impormasyon tungkol sa mga suspected cases.

Samantala, hiniling ng WHO sa Russia na magbigay ng formal at regular na impormasyon tungkol sa insidente. Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, may natanggap silang reports mula sa dalawang media outlets at humingi na sila ng sagot sa Russian government.

Sinabi naman ng WHO na hindi pa nila natutukoy ang causative agent sa unang kaso at hindi pa malinaw kung paano nahawa ang namatay na laboratory worker.

Sa United States, sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention o CDC na extremely low ang risk sa kanilang bansa. Patuloy nilang mino-monitor ang mga biyaherong galing sa Siberian region.

Tinatayang nasa 200 katao kada taon ang bumibiyahe mula Siberia patungong United States. Gayunman, wala pang indikasyon ng broader threat sa US.

Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na hindi nila nakikitang bioweapon ang posibleng pinagmulan ng infection at sinabi niyang under control ang sitwasyon.

Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng WHO, Russia at iba pang health authorities habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa pinagmulan ng sakit.