Nakalaya na ang aktor na si Vhong Navarro matapos magpiyansa at payagan ng Taguig RTC Branch 69 ang petisyon ng aktor at TV host kaugnay sa kinakaharap niyang kasong panghahalay.
Sinundo ng kanyang misis na si Tanya Bautista sa Taguig City Jail ang aktor.
Magpapahinga muna ang aktor ng ilang araw bago ito bumalik sa hosting sa kanyang noontime show.
Sa inilabas na kautusan ni Presiding Judge Loralie Cruz Damatan, pinapayagan si Navarro na maglagak ng P1 milyon na piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.
Emosyonal naman si Vhong nang pagbigyan ng korte ang kahilingan niyang makapagpiyansa ayon sa abogado nito.
Ang kasong rape ay isinampa laban sa aktor ng model na si Deniece Cornejo.