fbpx

3-anyos na bata, patay sa pangangaroling makaraang ma-hit-and-run

Nasawi ang tatlong taong gulang na batang lalaki na galing sa pangangaroling makaraang ma-hit-and-run ng isang trak sa Motiong, Samar nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng otoridad, nangaroling umano ang bata kasama ng dalawa pang kapatid. Naghabulan sa kalsada ang magkakapatid habang pauwi ng bahay nang biglang masagasaan ng trak ang biktima.

Naisugod pa ng mga rescuer sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Samantala, naaresto naman ang suspek sa police checkpoint sa bayan ng San Jorge, matapos nitong takasan ang kanyang pagsagasa sa bata.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang naturang driver ng truck.

About Author