Himas rehas ngayon ang isang 29-anyos na babae, makaraang mahulihan ng shabu na isinipit at itinago pa sa kanyang ari sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad sa Tandang Sora Avenue, Barangay Sangandaan, Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang inaresto na si Ronalyn Caballero alyas Onang, 29-anyos, walang trabaho.
Batay sa ulat, isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu at binentahan ng suspek na nagkakahalaga ng P200.
Dagdag pa dito, nakuhanan din ang suspek ng isang gramong shabu na may street value na P6,800 na inipit din sa kanyang ari.
Nahaharap naman ngayon sa karampatang kaso ang naturang suspek habang nasa kustodiya na ng pulisya.