fbpx

Mga residente ng San Luis Batangas, nakatakdang sumailalim sa seasonal farming program sa South Korea sa 2023

Nakatakdang simulan ng lokal na pamahalaan ang kanilang Seasonal Farming Program sa Inje-gun, South Korea sa unang bahagi ng 2023.

Ito ay matapos opisyal na lagdaan nina Inje-gun County Governor, Choi Sang-ki at San Luis Mayor Oscarlito Hernandez ang Memorandum of Understanding para sa Seasonal Farming Program sa pagitan ng dalawang bayan.

Sa ilalim ng nasabing Memorandum of Understanding, magtatrabaho sa loob ng limang (5) buwan ang ilang residente ng San Luis. Sa kasalukuyan, patuloy ang Municipal Agriculture Office sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Foreign Seasonal Farming Program.

Sakaling makapasa, sasailalim naman sa pagsasanay sa bukid ang mga aplikante upang masukat ang kanilang kakayanan sa pagsasaka bago tumulak sa nasabing bansa.

Layunin ng Seasonal Farming Program na makapaghatid ng mga programang pangkabuhayan sa mga residente, at magkaroon ng karagdagang kaalaman na maaari nilang gamitin pagbalik sa Pilipinas

About Author