fbpx

Pag-inom ng gin may benepisyong hatid sa kalusugan

Free soda water with lemon

Likas na yata sa mga Pinoy ang pagkahilig sa alak, may selebrasyon man o pangkaraniwang araw lang, tiyak na may inuman kung saan! Bagamat laging kasama sa mga kasiyahan, bad shot pa rin para sa ilan kapag usapang inuman. Ngunit alam mo bang ang katamtaman at responsableng pag-inom ng Gin ay may dala rin palang benepisyo sa ating katawan?

Free soda water with lemon

Ang pangunahing sangkap kasi ng Gin ay juniper berries, isang uri ng prutas na kilala bilang superfood. Nagtataglay kasi ang juniper berries ng flavonoids na nakatutulong upang mapababa ang tsansang magkaroon ng sakit sa puso ang isang tao. Dagdag pa na maigi rin ito para sa maayos na sirkulasyon ng ating dugo. Napapababa rin nito ang tyansang tamaan ng sakit ang ating atay at bato, kaya’t sinasabing Gin ang healthier option kung nais mong uminom. 

Free lemon soda drink top

‘Di hamak na mas mababa rin ang calories ng gin sa ibang alak at nakatutulong pa sa digestion. Pinararami kasi ng juniper berries ang enzymes na tumutunaw sa mga pagkaing ating kinunsumo. Sa isang pag-aaral pa nga sa University of Sigulda, napag-alamang nakatutulong ito para mapabilis ang ating metabolism. 

Ayos din ang buto-buto sa pag-inom ng Gin dahil nakatutulong rin pala ito upang ibsan ang pananakit ng mga kasukasuan gaya ng arthritis.

May magandang dulot man, pakatandaan na lahat ng sobra ay masama. Kaya’t maghinay-hinay sa pag-inom ng gin, dahil kapag inabuso naman ito ay may negatibo ring dulot sa ating kalusugan. Pakatandaang ito’y hindi pang-eenganyo na araw-arawin ang pag-inom dahil responsibilidad pa rin nating alagaan ang ating kalusugan- AJGO, Intern

About Author