Arestado ang isang 21 anyos na lalaki na tinaguriang Most Wanted Person sa CALABARZON laban sa kasong panggagahasa sa Lobo, Batangas nito lamang Martes, Pebrero 21.
Nadakip ng Batangas Police Provincial Office ang akusado na si John Mark Delica, residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nangyari ang krimen noong Abril 27, 2022.
Natagalan ang report ng kaso dahil umano natakot ang biktima na maghain ng complaint sa awtordidad.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng ang akusado at nahaharap sa karampatang kaso. | via J.Laydia