fbpx

3 PATAY, 1 SUGATAN SA AKSIDENTE SA LIPA CITY, BATANGAS

Kinaladkad ng isang pick-up truck ang dalawang motorista sa JP Laurel Highway dakong alas-3 ng madaling araw nitong Linggo sa Inosluban, Lipa City Batangas.


Nauwi ang aksidente sa pagkamatay ng dalawang pasahero ng isang motorsiklo at ang naturang driver ng pick-up truck, habang naiwan naman sugatan ang pasahero nito.


Kinilala naman ang mga biktima na si Edison De Villa, sakay ng motorsiklo, at ang angkas nito na si Joanna Mapile, habang ang driver ng kumaladkad na truck na si Ron Michael Basco, kasama ang pasahero nito na si Phil Matthew Trilles.


Sa ulat ng pulisya, nakabuntot umano ang pick-up sa dalawang motorista bago ang pinangyarihan ng insidente, kung saan nabundol ng truck ang motor at patuloy itong kinaladkad hanggang sa makabangga ng nakaparadang sasakyan, na naghantong bumaliktad ang nasabing truck at ipitin ang isa sa mga pasahero ng motorsiklo.

Naisugod naman ng ligtas ang pasahero ng truck sa Metro Lipa Medical Center habang ito ay nagpapagaling.


Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa naturang insidente. | L.Bermudez intern

ERRATUM March 1, 2023 | Buhay ang naturang pick up driver habang ang pasahero naman nito ang nasawi sa naturang insidente, matapos makapanayam ng BChannel News Team ang Lipa City Police ngayong umaga ng Miyerkules Marso 1, 2023 taliwas sa paunang ulat ng police investigastor noong Lunes.

About Author