
Nagbabala ang United States sa China sa mga maaring idulot ng pagbibigay nito ng mga armas sa Russia.
Nagsusumikap sa ngayon ang Washington at ang mga kaalyado nito sa NATO na pigilan ang China na magbigay ng tulong militar para sa digmaan ng Moscow, na kanilang pinaniniwalaang may posibilidad na magbigay ang Beijing ng mga kagamitang pandigma kabilang ang drones.
Pinangangambahan umano ng mga western countries ang pagtulong ng China sa bansang Russia habang nagpupumilit ang naturang bansa na makamit ang mga pangunahing layunin nito sa silangang Ukraine, gayundin ang mga ginagawang paghahanda na balak isatupad ng Kyiv katulad ng mga tangke.
Ayon sa pahayag ng White House national security adviser Jake Sullivan, karapatan umano ng Beijing gumawa ng sarili nitong mga hakbang ukol sa pagbibigay ng tulong, ngunit binalaan niya na mayroon karapatang kahihitnan ang China.
Dagdag pa ni Jake Sullivan, bagama’t hindi pa sumusulong ang bansa sa pagbibigay ng nasabing tulong, hindi rin nito inaalis ang posibilidad na mangyari.
Matatandaan tumanggi ang Beijing na kundenahin ang pag-atake ng Moscow sa Ukraine, ayon sa pinakahuling pagpupulong ng Group of Twenty (G20) sa India noong Sabado.
Nagpalabas rin ito ng panukalang “cease-fire” sa nakaraang Biyernes, na tinatakan ng unang anibersaryo ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine, ngunit ang alok ay ginunita ng pagdududa mula sa mga western countries. | L.Bermudez intern