fbpx

BAGONG SILANG NA SANGGOL, NATAGPUANG WALANG BUHAY SA DALAMPASIGAN

Isang walang buhay na kasisilang lamang na sanggol ang inabandona sa dalampasigan ng Purok 8, Brgy. Mercedes, Catbalogan City, Samar, alas 8 ng umaga nitong Sabado.

Sa ulat, nakakabit pa ang pusod nito nang matagpuan ng 3 magkakapatid para maghanap sana ng ‘pangpain’ sa isda.

PHOTO | Mark Sonny Jumagdao Abanes

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa pagkakakilanlan ng nagtapon ng bata sa lugar. | PHOTO COURTESY Mark Sonny Jumagdao Abanes

About Author