Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaking pulubi matapos masagasaan ng isang jeep sa Brgy. Ambulong, Tanauan City, Batangas nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang 25 anyos na driver ng jeep na si Jay-Ar Agojo ng Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas.
Sa ulat ng barangay, ang biktima ay humigit-kumulang 50 taong gulang, walang kamag-anak at umano’y may problema sa pag-iisip.

Ayon sa report, ang naturang insidente ay nangyari dakong 5:50 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima at sumalpok sa nasabing jeep.
Nadala pa sa ospital ang biktima pero namatay rin habang ginagamot. | J.Laydia intern