fbpx

35-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA ILEGAL NA PAGPAPATAYA NG ‘BOOKIES’ SA LOBO, BATANGAS

close up photography of person in handcuffs

Inaresto ng pulisya ang isang basurerong lalaki na ilegal na nagpapataya ng bookies sa Brgy. Poblacion, Lobo, Batangas, nitong Linggo.

Kinilala ang naaresto na si Emmar Morgado, 35 taong gulang, basurero, at residente sa nasabing barangay.

Ayon sa report ng mga awtoridad, bandang alas-5 ng hapon nang mahuli sa akto ang suspek na nagpapataya.

Nakumpiska sa supek ang isang STL booklet, isang ballpen, at P200.00.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Numbers Game, ang naturang suspek. | J.Laydia intern

About Author