fbpx

AKSIDENTE SA LIPA CITY, BATANGAS NAKUHAAN SA CCTV; 1 PATAY, 9 SUGATAN

Patay ang isang menor de edad na driver ng isang kotse habang siyam naman ang sugatan nang salpukin nito ang dalawang tricycle at isang motor sa Lipa City, Batangas, kamakailan.

Nakuhaan sa CCTV camera ang mabilis na pagsulpot ng kotse bago mabangga ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, unang nabangga ang isang tricycle na lulan ang apat na pasahero kasunod nito ang isa pang tricycle na mayroon ding apat na sakay at nadamay rin ang isang rider ng motorsiklo.

Dagdag pa rito, nakikipag ugnayan na sa mga biktima ang umano’y pamilya ng nasawing driver ng kotse.

Sa ngayon kasalukuyang nasa magkakaibang ospital ang mga sugatan at nagpapagaling. Umaasa ang mga ito na matutulungan sila ng pamilya ng biktima sa gastusin sa ospital.

Sa larawan na makikita, dead on the spot ang isang binatilyo kung saan nagtamo ng grabeng sugat sa mukha dulot ng naturang aksidente. | Kaizelene Olan/Isabelle Anne Ramos, interns | Contributed Photo

About Author