Kalaboso ang limang lalaki matapos mahuli nitong Martes, March 28 sa Taft Avenue matapos mahuli sa kanilang modus kung saan maglalaglag sila ng barya sa harap ng kanilang biktima bago pagnakawan.
Ayon naman kay PLt. Col. Salvador Tangdol, hepe ng Malate Police Station, nahuli ang mga suspek dahil humingi ng tulong sa kapulisan ang 2 nabiktima.
Ang mga suspek ay kinilala na sina Pepito Villanueva Jr, Irineo Gonzales, Renan Encarnacion, Harold Royola, at Ian Manalang, at natuklasan din na ang mga ito’y dating nakulong sa mga kasong droga at illegal possession of firearms.
Makikifa naman sa CCTV footage kung paano nahuli ng kapulisan ang naturang mga suspek.
Nakulimbat mula sa mga suspek ang wallet, cellphone at cash na P1,400.
Sa ngayon, ay nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa karampatang kaso.