fbpx

GRILLED BALUT SA BALAYAN, BATANGAS, NAG SIGNING-OFF

Trending sa Social Media ang isang post ng ‘Grilled Balut’ seller mula sa Balayan at Lian Batangas matapos niyang ipost na hindi na sila magbebenta nito.

Photo | Zereen Atienza

Ayon sa post ni Zereen Xylex Gonzales Atienza, ayaw niyang maagawan ng negosyo ang mga traditional balut vendor dahil lang sa nauuso ngayong ‘Grilled Balut’

Aniya sa post, “Habang naglilinis kami ng gamit nakita namin yung mga magbabalut na naka motor na nag uuwian na ng maaga kase wala halos bumibili sa kanila na dati dati ay hinahabol namin. Kitang kita yung lungkot”.

Dagdag pa niya, magfofocus nalang siya sa kanyang negosyo na Sweet Chili Jam. | Erica Joy Duño intern

About Author