Isang babae at kanyang live-in partner ang natagpuang wala nang buhay sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay 176, Caloocan City, Metro Manila noong Linggo ng umaga, Marso 26.
Kinilala ng Caloocan City Police Station ang nasawi na sina Julieta Espinola, 46 anyos at ang live-in partner nitong si Edgardo Mananquil, 52 anyos.
Ayon sa mga awtoridad, ang maglive-in ay naninirahan kasama ng mga anak ni Espinola sa loob ng 20 taon.
Base sa salaysay ni Marcos Isaac, 22 anyos at isa sa mga anak ni Espinola, madalas umano mag-away ang magkasintahan dahil sa selos.
Natagpuan ng panganay na anak ni Espinola na si Aizy Isaac, 29 anyos ang kanyang ina na walang buhay at nakahandusay na lang sa sofa habang ang kanya namang amain ay natagpuang nakahandusay sa sahig.
Kapwa may mga saksak sa leeg ang magkabilang katawan ng mga biktima.
Nagsasagawa pa ng malalim na imbestigasyon ang mga pulis sa naturang insidente. | Jamaica Ramos intern