
Napukaw ang atensyon ng mga mamamayan sa larawan na ibinahagi ng isang netizen sa isang ama na mayroon kapansanan habang nagtitinda ng gulay para sa kanyang pamilya.

Naging isang inspirasyon kasi sa kanila ang istorya ng buhay ni tatay George, isang Person with Disability “PWD” tubong Tiaong Quezon.
Ayon sa istorya ng kanyang buhay, sanggol pa lamang ay iniwan siya sa isang bangka at mapalad naman siya nang mapulot ng kanyang lola na siya naring nag alaga at nag palaki hanggang 7-8 na gulang.

Subalit dumating ang araw na kinuha siya ng kanyang ama at doon niya naranasang pagmalupitan at tratuhin ng hindi tama. Nag karoon siya ng pabalik balik na lagnat sa labis na pag tatrabaho dahilan ng kanyang pag kabalda.
Lumaban at nag sumikap si tatay George nang makaalis sa puder ng kanyang ama matapos palayasin sa araw ng kanyang graduation. Ipinag patuloy niya ang buhay hanggang sa matagpuan niya ang kabiyak ng kanyang puso.
Hindi naging sagabal ang kapansanan ni tatay sa pag iibigan nilang mag asawa at mag hangad ng buo at simpleng pamilya. | Irene Joy | 📸 The Daily Sentry