fbpx

‘1 PATAY, 1 SUGATAN SA INSIDENTE NG PAMAMARIL SA TANAUAN CITY, BATANGAS’

Patay ang isang lalaki sa pamamaril habang sugatan naman ang isa pa nitong kasama sa Tanauan City, Batangas.

Nakilala ang mga biktima na sina Vincent Rubio, 30-anyos, isang vendor, residente ng Brgy. Hidalgo, Tanauan City, Batangas habang ang isa naman ay si Angelito Nayle, 28-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang suspek na si Gregorio Mendoza, miyembro ng Task Force Clearing of the City Government, residente ng Brgy. Altura South, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lasing umano si Rubio nang magkaroon ito ng hindi pagkakaintindihan sa kanyang ama.

Sinubukan namang pakalmahin ni Mendoza ang dalawa ngunit hindi nakinig ang mga ito, kaya nagpasya nalang itong umalis.

Sa pagbalik ng suspek, agad na kumuha ng bolo si Rubio at sa pagkakataong iyon, bumunot naman ng baril si Mendoza at binaril ang biktima ng ilang beses at tumama ito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nakatakas naman ang suspek dala ang baril na ginamit habang isinugod si Rubio sa ospital at idineklara itong dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang limang fired cartridge, dalawang deformed bullet at isang bolo.

Sa ngayon ay isinasagawa ang manhunt operation katuwang ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para agad nang mahuli ang suspek. | C. Hernandez, BChannel News

About Author