fbpx

INUMAN, NAUWI SA SAKSAKAN SA TINGLOY BATANGAS

Nauwi sa saksakan ang dapat ay inuman lamang sa Brgy. Marikaban, Tingloy, Batangas.

Sa panayam ng BChannel News Team kay PSSg Alvin Angelo D. Matienzo, sugatan ang dalawang lalaki na magpinsan matapos pagsasaksakin ng kanilang kainuman.

Nakilala ang mga biktima na sina John Kenneth Salazar, 27-anyos, at si Sheine Castillo, 48-anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Kinilala naman ng Tingloy Municipal Police Station ang suspek na si Gregorio Pabroa, 64-anyos at nakatira rin sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon, pasado alas-otso ng gabi habang ang mga biktima at ang suspek ay nag-iinuman, nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

Doon ay sinaksak umano ng suspek ang mga biktima sa dibdib at tiyan.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima upang malapatan ng paunang lunas.

Samantala, naaresto rin naman ng Tingloy MPS ang suspek at narekober sa kanya ang kutsilyo na ginamit niya sa pananaksak.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung ano ang dahilan ng pananaksak ng suspek sa mga biktima. | M.K. Ilagan, BChannel News intern | PHOTO: BATANGAS PPO

About Author