Sugatan ang isang lalaki matapos na barilin sa Brgy. Santa Clara. Sto. Tomas City, Batangas, noong Miyerkules, Abril 12
Nakilala ang biktima na si Cesar Arida, 62 anyos, isang residente ng Brgy. Santa Clara ng naturang lungsod. Kinilala naman ang suspek sa alias nito na “Tame”.
Lumabas sa imbestigasyon ng Sto. Tomas City Police Station, pasado alas-9:15 nang gabi habang nanonood ng TV ang biktima, napansin ng biktima na nagkakahulan ang mga aso kaya naman ito’y kanyang tinignan at nakitang papalapit ang suspek at binaril ang biktima, natamaan ang biktima sa kanang binti nito. Agad naman isinugod ang biktima sa San Pablo City District Hospital.
Sa kasalukuyan, naaresto ang suspek at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. | Juan Paolo M. Reyes, BChannel News