Isang 69-anyos na lalaki ang nasawi matapos mabangga ng isang tractor truck sa Barangay Tubigan, Lemery, Batangas nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ng Lemery Municipal Police Station ang nasawi na si Eugenio Pascua, residente ng Barangay Tubigan, Lemery, Batangas at ang suspek na si Jhuvy Aclon, 52 taong gulang, residente ng Tagum City, Davao.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, liliban si Aclon habang maneho ang kanyang sasakyan sa Barangay Tubigan sa nasabing munisipalidad, mula Lemery patungong Calaca City nang mabangga niya si Pascua habang tumatawid ito.
Nagtamo naman ng matinding sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima kaya agad itong dinala sa ospital ngunit binawian rin ng buhay habang ginagamot ito.
Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide. | M.J Levita, BChannel News