
Sugatan ang isang driver at kasama nito matapos bumangga ang minamaneho nitong SUV sa nakaparadang 10-wheeler truck sa kahabaan ng Provincial Road ng Barangay Taliba, San Luis, Batangas, noong Huwebes, Abril 13.
Ang mga biktima isang 19-anyos, driver ng SUV at isang 22-anyos na sakay nito, ayon sa San Luis Police Station.
Base sa imbestigasyon ng San Luis MPS, naganap ang nasabing insidente bandang alas-10:15 ng umaga at patungo ang SUV sa Barangay Taliba ng naturang lungsod nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok ito sa nakaparadang 10-wheeler truck. Wasak ang bumper, gulong at pinto sa kanang bahagi ng SUV habang sa unahan at gulong ng kanang bahagi naman ang natamong sira ng 10-wheeler truck.
Dinala ang dalawang sugatan sa Hospital, sa Lemery, Batangas na nagtamo ng sugat isa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kasalukuyang pinag-uusapan pa ng dalawang panig ang gastusin at kasunduan sa naturang insidente. | Juan Paolo M. Reyes, BChannel News| PHOTO Wikimedia