fbpx

DRIVER NG MOTORSIKLO SUGATAN; ISA PATAY SA MALVAR, BATANGAS

Nasawi ang isang lalaking angkas sa motorsiklo, samantalang sugatan naman ang driver matapos silang mabangga ng isang van sa Malvar, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Malvar Municipality Police Station ang driver ng motorsiklo na si Dominique Pastor, 19 taong gulang, residente ng Malvar Batangas at ang namatay na sakay sa motorsiklo na si Nathan Valeros, 18 taong gulang, residente naman ng Sto. Tomas City, Batangas.

Naaresto naman ang driver ng van na si Robert Capulong, 43 taong gulang, tubong Tondo, Manila at residente ng Lipa City.

Ayon sa report, bandang alas-12:00 ng madaling araw ng Abril 15, nakatanggap ng tawag ang Malvar MPS tungkol sa nangyari aksidente sa Barangay Pioquinto, Malavar, Batangas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-9:20 ng gabi ng Abril 14 nangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Nagmamaneho si Capulong sa East direksyon papuntang Barangay San Pedro I sa nasabing munisipalidad, samantala, sina Pastor at Valeros ay papunta sa kasalungat na daan.

Doon ay nabangga ng suspek at tumilapon sa sapa ang driver at sakay ng motorsiklo.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima at nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang parte ng katawan, ngunit binawian rin ng buhay si Valeros.

Sa ngayon ay naka-confine at stable naman sa ospital ang driver ng motorsiklo, at mahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting to Homicide, Serious Physical Injury and Damage to Property. | M.J Levita, BChannel News

About Author