fbpx

BAHAY SA BATANGAS CITY, PINASOK NG MAGNANAKAW

Isang virtual assistant ang nanakawan ng nagkakahalagang P111,000 sa Barangay Pallocan East, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina Jenwell Aragon at Joel Aragon na nakatira sa Barangay Kumintang Ibaba, Batangas City.

Batay sa report, nagsampa ng reklamo ang biktima laban sa suspek dahilan sa nangyaring insidente.

Ayon sa imbestigasyon, sinadyang pasukin ng mga suspek ang tirahan upang nakawin ang mga 24k necklace, 24k bracelet, 24k ring, mamahaling relo, blender, microwave, apat na vintage caps, sampong Japanese knives na nagkakahalagang P111,000.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga suspek at mahaharap ang mga ito sa kasong theft. | M.J Levita, BChannel News

About Author