Tampok ngayon ang nasa 180 artworks ng 53 estudyante at pamilya Chan Lim ang masisilayan sa SM City Batangas.
Binuksan sa publiko nitong Linggo Abril 30, 2023 ng hapon ang Chan Lim Art Exhibit , kung saan ipinapakita nito ang sining at kultura ng Filipino-Chinese.
Tatagal ng 19 araw ang exhibit upang masilayan ang obra ng Chan Lim students at Chan Lim Family, kabilang ang mga makukulay na lantern at pamaypay.
Ang Chan Lim Family of Artists ay halos kalahating taon nang aktibo sa larangan ng pagpipinta gamit ang Chinese brush. Nagsimulang magpinta noong taong 1956 si Jose Lim kung saan ibinahagi nito sa kanyang asawa at mga anak at nagsimula naman ang kanilang family exhibits noong 1995.
Dahil sa pagmamahal ng pamilya sa pagpipinta, nagsasagawa ang Chan Lim ng art classes, workshops, seminars at on-the-spot painting demonstrations. Nagkaroon na rin ng experiments ang young generations ng pamilya na gumagamit ng modern digital techniques na inilalapat naman sa Chinese art.
Maliban sa exhibit ay nagkaroon din ng workshop sa ilang mga estudyante at ilang media para sa pagpipinta.