Sugatan ang dalawang rider matapos magbanggaan ang kani-kanilang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Laurel, Taysan, Batangas noong Huwebes bandang alas-8 ng gabi.
Kinilala ng Taysan MPS ang mga rider na si Waynne Rodolfo, 43 anyos, residente ng Barangay Poblacion, Lobo, Batangas at ang umano’y nakainom na rider na si Marion Yvonne Manalo, 24 anyos, residente ng Barangay Laurel, Taysan, Batangas.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Taysan MPS tinatahak umano ng dalawang rider ang magkaibang direksyon ng parehas umano itong mag overtake sa mga kasunod nilang sasakyan.
Ayon pa sa pulisya ay nasa impluwensiya umano ng alak ang rider ng isang motorsiklo kung kaya’t hindi ito naging ma-ingat sa pag-overtake dahilan upang masalpok nito ang pa-overtake rin na motor.
Kaagad naman dinala ang dalawang rider sa Hospital sa Batangas City para sa atensyong medikal kung saan nagtamo ang dalawa ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigsayon sa naturang insidente. | J.Samarita, BChannel intern