Patay ang isang rider matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang nakaparadang dump truck sa Barangay Putol, Tuy, Batangas noong Linggo ng gabi (June 04, 2023).

Sa inisyal na report ng Tuy Police Station, bumangga umano ang rider na si Menecio Noche Bituin, dakong alas-9 ng gabi sa isang nakaparadang dump truck sa outer lane ng national road sa Barangay Putol.
Sa tindi ng pagkakasalpok nito, nagtamo ng matinding sugat sa ulo at isinugod sa Hospital para magamot, ngunit idineklara itong dead on arrival.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insedente. | BCN intern